Enrile, Cagayan – Nagsagawa ng “Feeding Program” ang Enrile PNP sa Barangay Lemu Sur, Enrile, Cagayan bandang 9:00 ng umaga nito lamang Miyerkules, Hunyo 22, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Precil Morales, Deputy Chief of Police, Enrile Police Station kasama ang mga miyembro ng Faith-Based at Barangay-Based Group.
Tinatayang apatnapu na bata ang nabigyan ng mainit na sopas at tetra juice sa nasabing barangay.
Ang aktibidad ay alinsunod sa programa ng PNP na suportahan ang E.O. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Duterte’s Legacy.
Layunin ng programa na maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga residente ng nasabing barangay lalo na sa kapakanan at seguridad ng mga bata at ipadama sa kanila na ang gobyerno ay handang tumulong sa mga naapektuhan sa lumalaganap na pandemya.
Source: Enrile PCR
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin