Bataraza, Palawan – Nagsagawa ng Brigada Eskwela 2022 ang mga tauhan ng 3rd Platoon 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa Lupak Elementary School, Barangay Inogbong Bataraza, Palawan noong Hunyo 20, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Carl Marx Cawili, 3rd Platoon Leader ng 1st Palawan PMFC sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Grace Vic Gomba, Acting Force Commander ng 1st Palawan PMFC na may temang “Bayanihan Para sa Paaralan”.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong tiyakin ang kalidad ng pangunahing edukasyon sa gitna ng pandemya.
Ang PNP ay handang tumulong sa anumang paraan at sa abot ng kanilang makakaya upang magbigay serbiyo sa ating mga kababayan.
Source: FirstPalawan Pmfc
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus