Panglao, Bohol – Matagumpay na nagsagawa ng “Simultaneous Mangrove Tree Planting ang PNP Maritime Group Bohol sa Looc Bay, Panglao, Bohol nito lamang Martes, Hunyo 21, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Jarlyn B Elopre, SESPO, na direktang pinangangasiwaan ni Police Lieutenant Lucio DC Vergara Jr, katuwang ang Bohol MARPSTA, Bantay Dagat, LGU, Looc AMPA Guards at SOS Members.
Ayon kay Police Lieutenant Vergara, ang nasabing aktibidad ay may temang “Serbisyong May Puso at Makakalikasan Hatid ng Maritime Police para sa bayan na naglalayong maibalik ang maayos at ganda ng ating kalikasan alinsunod na rin sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Ayon pa kay Police Lieutenant Vergara, mahigit sa 100 pirasong mga seedlings ang naitanim ng mga kalahok sa nasabing aktibidad.
Patuloy naman na hinihimok ng Pambansang Pulisya ang publiko na patuloy na makiisa sa mga aktibidad ng pamahalaan upang mapanatili at maisaayos ang ating kalikasan.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido