City of San Fernando, Pampanga – Sinimulan na ng Police Regional Office 3 ang 5-Day Disaster Preparedness, Search and Rescue, and Retrieval Operations Seminar sa Patrol Hall, Multi-Purpose Building, Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Lunes, Hunyo 20, 2022.
Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ni Police Brigadier General Narciso Domingo, Deputy Regional Director for Administration at pinamunuan ni Police Brigadier General Matthew Baccay, Regional Director of Police Regional Office 3.
25 mula sa PRO3 at 25 naman sa PRO1 ang nakilahok sa nasabing seminar.
Layunin nitong madagdagan ang karunungan ng mga kapulisan sa pag-iwas at pagligtas ng mga biktima sa sakuna.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera