Tawi-Tawi – Nailigtas ang dalawang babae laban sa dalawang suspek sa ginawang anti-trafficking rescue operations ng Tawi-Tawi PNP nito lamang Huwebes, Hunyo 16, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Robert D. Samson, Officer-in-Charge, Station Chief ng Tawi-Tawi MRPSTA ang dalawang biktima na may edad 26 at 24, na pawang mga taga-Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Samantala, kinilala din ang dalawang suspek na sina Pam, babae, nakatira sa Zamboanga City at Jade, lalaki, nakatira sa Bongao, Tawi-Tawi na magdadala sana sa dalawang biktima sa Sabah at Malaysia kahit walang dokumento galing POEA or anumang recruitment agency.
Ayon kay PLt Samson, bandang 2:30 ng hapon nang masagip sa port ng Bongao, Tawi-Tawi ang dalawang biktima sakay ng MV Trisha Kerstin 2 sa pinagsanib na puwersa ng Bongao PNP, PCG Bongao Central Station, MBLT-12, 2MCIC PMC, at LGU-LCAT VAWC of Municipal Inter-agency Committee Against Trafficking (MIACAT) Bongao.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Ang PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay handang tugisin ang mga taong masasama ang budhi at nanamantala ng taong inosente.
###
Panulat ni PSMS Marisol Bonifacio