Loon, Bohol – Nagsagawa ng Community Outreach at Barangayanihan Program ang Bohol PNP sa iba’t ibang barangay ng Loon, Bohol nito lamang Biyernes, Hunyo 17, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Andie Liquit Corpus, Chief of Police ng Loon Municipal Police Office, katuwang ang mga miyembro ng Loon Police Station, KKDAT Officers at mga Barangay Official ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Major Corpus, ang nasabing aktibidad ay kabilang sa kanilang “Good Cops Lamiang Lugaw sa Loon” program at kabilang sa nasabing programa ay ang pamimigay ng libreng tsinelas para sa mga bata, food packs, health kits at mga pagkain.
Ayon pa kay Police Major Corpus, nagsimula ang kanilang programa noon pang April 2018 upang mapatibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan at maging kaisa sa pagpapatupad ng kapayapaan at seguridad.
Hangad ng PNP na patuloy na magserbisyo sa mamamayan upang mapanatili ang nasimulang magandang ugnayan.
###
Panulat ni Carl Philip Galido