Nagsagawa ng Feeding Program ang Aparri PNP sa Barangay Macanaya at Punta Aparri, Cagayan nito lamang Sabado, Hunyo 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Tristan John Zambale, Acting Chief of Police ng Aparri Police Station kasama ang mga tauhan ng PNP Maritime Group, Police Trainees at mga aktibong miyembro ng Advocacy Support Group na Samahang Ilocano.
Umabot sa 280 na benepisyaryo ang nabigyan at nahandugan ng libreng pansit at juice.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga residente sa mga PNP sa pagbibigay ng kalinga at malasakit sa kanilang barangay at pagbibigay ng libreng pagkain.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan sa pagbigay ng pangunahing serbisyo lalo na sa mga kababayan nating kapos sa buhay at sobrang naapektuhan ng pandemya.
Source: Aparri Police Station
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag