Indanan, Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa PNP sa Indanan, Sulu nitong Hunyo 18, 2022.
Ayon kay Police Major Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station, sa tulong ni Abdelnaser Kadil, Brgy. Chairman ng Brgy. Tagbak, Indanan, Sulu ay boluntaryong isinuko sa Brgy. Chairman ng isang lalaki ang isang yunit ng Revolver .38 Smith and Wesson na walang serial number at may anim na bala.
Ang nasabing baril ay tinanggap naman ni PEMS Murphy Ismad.
Ito ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.
Pansamantalang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang nasabing baril bago dalhin sa Sulu PCLO para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, hinihikayat ng PNP ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung sinuman ang may baril na walang kaukulang dokumento at nais itong isuko.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz