Tuguegarao City, Cagayan – Nagsagawa ng Blood Letting Activity ang Cagayan PNP sa SM Downtown Tuguegarao City, Cagayan noong Hunyo 17, 2022.
Mahigit 122,850 CC na dugo ang nalikom sa 273 donors na nakilahok sa aktibidad.
Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Naging tema ng aktibidad ang “Dugong Magiting Donate Blood to Save Life”, na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahgi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga pamilya.
Samantala, pinasalamatan naman ni Provincial Director PCol Renell Sabaldica ang lahat ng mga blood donors na boluntaryong nakilahok sa aktibidad.
Dagdag niya, hindi matutumbasan ang tulong na kanilang naipaparating sa mga magiging benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangangasiwa ng Provincial Community Affairs and Development Unit sa pamumuno ni Police Lieutenant Cololonel Emil Pajarillo at sa pakikiisa at tulong ng Cagayan Valley Medical Center, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Army, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, My Brother’s Keeper-Life Coaches, Advocacy Support Groups, Samahang Ilocano, mga stakeholders at iba pang mga volunteers.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Steve B Ludan, ang mga miyembro ng Valley Cops na patuloy na naglilingkod at nagpapaabot ng serbsiyo publiko sa mga mamamayan sa Lambak ng Cagayan.
Source: Cagayan PPO
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi