Saturday, January 11, 2025

Makasaysayang Kasalang Barangay ng mga Katutubong Ata Manobo idinaos sa Davao City

Davao City – Nagsagawa ng Kasalang Barangay at binyag ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 13 para sa mga katutubong Ata Manobo Tribe sa Sitio Sandunan, Brgy. Tamugan, Marilog District, Davao City, noong Hunyo 17, 2022.

Matagumpay na naisakatuparan ang pagnanais na magkaroon ng legal at maayos na kasal ang 14 na pares ng katutubong Ata Manobo Tribe sa tulong ng R-PSB Cluster 13 sa pangunguna ni PLt Ronnie Batingal, Team Leader.

Ang nasabing kasal at binyag ay pinangunahan ni Rev Fr. PCol Marlou Labares, Chief, Regional Pastoral Office 11, kasama si Rev Fr. LtCol. Pedro Maniwang, Philippine Army at iba pang mga tauhan ng PRO11.

Kasunod ang pamamahagi ng mga regalo para sa bagong kasal.

Ayon naman sa panayam kay Bae Aida Sandunan Siesa, General Secretary, Ata Manobo Tribe, ang nasabing kasalang barangay ay isang kasaysayan sa kanilang tribo na Datu Lamantaklan dahil ito pa lamang ang kauna-unahang Kasalang Barangay na idinaos sa kanilang lugar at ito’y lubos niyang ipinagpapasalamat sa PNP.

Bukod pa rito, kitang-kita sa mga mukha ng mga ikinasal ang kanilang lubos na pasasalamat at nag-uumapaw na saya sa tulong na ibinigay ng PNP.

Ayon naman kay PLt Batingal, ang aktibidad na ito ay malaking tulong para sa mga mamamayan nating naninirahan sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) dahil dito maaari na silang makakuha o magkaroon ng Marriage Certificate at Birth Certificate upang magamit ng kanilang mga anak sa pag-aaral.

Samantala, ang Police Regional Office 11 sa pangunguna ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director, ay hindi magsasawang maghatid ng mga serbisyong makatutulong katulad nito lalong lalo na sa mga mamamayan na naninirahan sa kabundukan upang maipadama sa kanila ang malasakit ng gobyerno.

###

Panulat ni Patrolman Rhod Evan Andrade

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles