Lagayan, Abra – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Lagayan Municipal Police Station sa Sitio Calambat, Collago, Lagayan, Abra nitong Hunyo 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLt Omar Palicacad, Acting Chief of Police ng Lagayan MPS katuwang ang mga kinatawan ng DepEd Abra, Department of Agriculture Abra, BFP, PNP SAF, Abra 1st PMFC, Brgy. Officials at iba’t ibang Advocacy Support Groups sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni PLt Palicacad, ang nasabing aktibidad ay taon taon din isinasagawa bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Mayor Edmarc Languisan Crisologo ng lalawigan ng Abra.
Naging matagumpay ang aktibidad kung saan ang mga grupo ay nakapagtanim ng 400 na binhi ng mahogany, fire at bamboo trees.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes