Davao del Norte – Inihain ng tauhan ng Regional Highway Patrol Unit 11 ang Warrant of Arrest sa isang Most Wanted Person na nasa loob ng bilangguan na may kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law nito lamang Huwebes, Hunyo 16, 2022.
Kinilala ni PMaj Gerry Galan, Provincial Chief, ang suspek na si Virgilio Bernal Juntilla Jr. na kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Tagum City Jail, Tagum City, Davao del Norte.
Ang PNP ay hindi tumitigil sa pag-aresto at paghahain ng kaso laban sa mga may pananagutan sa batas kaya hinihikayat nito ang publiko na makipagtulungan at ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga katulad na kaso para sa mas mapayapang komunidad.
###
Panulat ni PCpl Mary Metche A Moraera