Antique – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Hamtic Municipal Police Station sa Brgy. Caridad, Hamtic, Antique nito lamang ika-14, Mayo 2022.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Police Captain Horizon D Villanueva, Chief of Police ng Hamtic Municipal Police Station katuwang ang mga Guro ng Hon Francisco Zabala Memorial Elementary School na pinamumunuan ni Dr Mikaela Checa, Brgy. Officials, alumnus, Force Multipliers at Advocacy Support Group.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Oplan Pag-ulikid ng Hamtic MPS na alinsunod sa programa ng PNP “Kapwa Ko Sagot Ko” Program.
Ang PNP ay handang tumulong sa anumang paraan at sa abot ng kanilang makakaya upang magbigay serbisyo sa ating mga kababayan.
Gayundin ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa mga stakeholders ng PNP na katuwang nito sa lahat ng adhikain at adbokasiya sa pamamagitan ng diwa ng “Bayanihan” upang tumulong sa pamayanan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
###