Quezon City – Arestado ang isang lalaki sa kasong Carnapping ng PNP Highway Patrol Team – Quezon City nito lamang Miyerkules, Hunyo 15, 2022.
Kinilala ni PLtCol Joel Mendoza, Officer-in-Charge, Regional Highway Patrol Unit – NCR, ang suspek na si Carl Angelo Lopez Ruiz.
Ayon kay PLtCol Mendoza, bandang 6:30 ng hapon nang naaresto si Ruiz sa Starbucks Cafe na matatagpuan sa Mother Ignacia Cor Sct Albano, Barangay South Triangle Quezon City sa isinagawang intelligence driven operation ng mga operatiba ng RHPU-NCR Intelligence Section sa pamumuno ni PMaj Galarpe.
Ayon pa kay PLtCol Mendoza, naaresto si Ruiz sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na may rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang bawat matagumpay na operasyon ng PNP ay dahil na rin sa tulong at impormasyon ng bawat mamamayan na malaking aspeto sa pagkakaroon ng mas mapayapang komunidad.
###
Panulat ni Police Senior Master Sergeant Marisol A Bonifacio