Binangonan, Rizal – Tinatayang Php403,920 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babae sa buy-bust operation ng Binangonan PNP nito lamang Martes, June 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Jacquilyn Paragas Intal, alyas Jacqui, 38 at residente ng 588E Jacinto St. Bambang, Pasig City.
Ayon kay PCol Baccay, naaresto si Ingal bandang 10:20 ng gabi sa Ynarez Street, Brgy. Macamot, Binangonan, Rizal ng mga operatiba ng Binangonan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Vicente Gil Palma, Officer-in-Charge, Binangonan Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakumpiska kay Ingal ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 59.4 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php403,920, isang piraso na blue sling bag, isang piraso ng Php1000 bill na ginamit bilang buy-bust money at limang pirasong Php100 bill.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni PCol Dominic Baccay ay patuloy sa operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Rizal PPO PIO/Binangonan Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano