Zamboanga City – Arestado ang isang babae sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga PNP nito lamang Linggo, Hunyo 12, 2022.
Kinilala ni Police Major Ramon Aquiatan Jr, Chief of Police ng Zamboanga City Police Office-Station 5, ang suspek na si Ayesha Delos Reyes Manansala, 26, walang trabaho at residente ng Hilltop Dr., Brgy. Putik, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Aquiatan, bandang 12:50 ng tanghali nang naaresto ang suspek sa naturang lugar ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office-Station 5 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9