San Carlos City, Negros Occidental – Nasabat ang higit Php13 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng San Carlos City PNP nito lamang ika-14 ng Hunyo, 2022.
Kinilala ni PLt Roby Aurita, Deputy Chief for Administration ng San Carlos City PNP ang suspek na si Rex Baron, 49, at isang caretaker sa Sitio Tul-ang, Barangay Rizal, San Carlos City kung saan ikinasa ang operasyon bandang alas-4:45 ng madaling araw.
Ayon kay PLt. Aurita, si Baron ay isang bagong drug personality mula sa Fatima Village, bilang isang newly identified (HVI) High Value Individual.
Â
Ayon pa kay PLt. Aurita, nadakip ang suspek matapos itong magbenta ng Php6,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover na pulis.
Â
Nakuha ng mga operatiba sa kanya ang walong heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang green plastic packs na naglalaman ng parehong ipinagbabawal na droga at tumitimbang ng 2,000 grams na may Standard Drug Price na Php13,600,000.
Â
Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
###