Davao City – Arestado ang isang Most Wanted Person na may kasong 2 Counts of Staturory Rape ng Calinan PNP nito lamang Lunes, Hunyo 13, 2022.
Kinilala ni PMaj Jack Tilcag, Commander ng Calinan Police Station, ang suspek na si Pedro Lapindoy Pelianon, 69, residente ng Sitio Diongan, Dalagdag, Calinan, Davao City na tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa Station Level.
Ayon kay PMaj Tilcag, naaresto ang suspek sa kaniyang sariling tahanan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang pagkakadakip ng suspek ay bunga ng pagsisikap at serbisyong tapat ng Police Regional Office 11 na hulihin ang lahat ng wanted person sa lungsod sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara