Lapu-Lapu City – Tinatayang nasa Php27,000,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasakote ng mga operatiba ng Lapu-Lapu City PNP nito lamang Lunes, Hunyo 13, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Arnel Banzon, City Director ng Lapu-Lapu City Police Office ang suspek na si Leonora Pestadio, 43 taong gulang.
Ayon kay PCol Banzon, naaresto ang suspek bandang 11:45 ng gabi sa Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit Team at City Intelligence Unit ng Lapu-Lapu City Police Office.
Ayon pa kay PCol Banzon, nakuha mula sa suspek ang hindi bababa sa apat na kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php27,000,000.
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.
Ang operasyon kontra ilegal na droga ng Lapu-Lapu City PNP sa pamumuno ni PCol Banzon ay patuloy na papaigtingin upang masakote ang mga personalidad na nasa likod ng mga operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
###