Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Pangasinan at PNP Dagupan ang isang (1) High Value Target sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Dagupan City, Pangasinan noong Oktubre 21, 2021.
Bandang 11:45 ng gabi sa nasabing araw nang mahuli ang suspek na kinilalang si Hector Cervantes (HVI) sa Brgy. Tapuac District, Dagupan City, Pangasinan.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang (1) gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php5,000, (1) piraso na totoong Php1000 bill, apat (4) na pirasong Php1000 bill na boodle money na ginamit bilang buy-bust money, isang (1) karton ng marlboro blue, isang (1) jansport coin purse, isang (1) bungkos na pera na nagkakahalaga ng Php120 na nasa iba’t ibang denominasyon at isang (1) unit ng cellular phone.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
####
Article by PSSg Carmela G Danguecan