San Jose, Tarlac – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang 1st Tarlac Provincial Mobile Force Company sa Barangay Pisapungan, San Jose, Tarlac nito lamang Lunes, Hunyo 13, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dennis C Wenceslao, Force Commander ng 1st PMFC, Tarlac Police Provincial Office kasama ang Tarlac State University Staff at ang 32nd Mechanized Company, 3rd Mechanized Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay PLtCol Wenceslao, labis ang pasasalamat ng mga higit kumulang 100 na benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods at Jelexie bread/pastries.
Dagdag pa ni PLtCol Wenceslao, nagbigay kaalaman sa mga dumalo patungkol sa Executive Order No. 70 National Task Force to End of Local Communist Armed Conflict, Women and Children Protection Desk at pangangampanya laban sa ilegal na droga.
Ang pamahalaan sa pangunguna ng PNP ay patuloy sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na patuloy na suportahan ang programa ng pamahalaan at PNP kabilang na ang kampanya laban sa ilegal na droga at insurhensya.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera