Boluntaryong isinuko ang isang nakaw na sasakyan sa PNP HPG nito lamang Biyernes, Hunyo 10, 2022.
Isang kulay gray na Toyota Vios na sasakyan na may plate number na DAL 5337 ang isinuko ng isang Aries S Juaton, residente ng Mercedes, Zamboanga City sa himpilan ng Regional Highway Patrol Unit 9.
Sa naging panayam sa nagsauli, ang nasabing sasakyan ay binili niya umano sa isang Erwih H Juani nang walang kaukulang dokumento.
Dagdag pa, ang nasabing sasakyan ay napag-alaman na may defaulted monthly obligation sa Toyota Financing Services Philippines at nakumbinsing maaaring magkaroon ng posibleng legal na isyu ang kanyang ilegal na nakuhang sasakyan na siyang nag-udyok sa kanya upang kusang isuko ito at maiwasan ang mga legal na parusa.
Ang boluntaryong pagsuko nito ay resulta ng isang serye ng operational research coordination sa pamamagitan ng pagpapalitan ng intelligence information sa pagitan ng Intelligence Operative ng Philippine Army at ang pagpapakalat ng impormasyon sa iba pang yunit at Facebook posting patungkol sa Assume Balance scheme.
Nasa kustodiya na ngayon ng nasabing opisina ang nasabing sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.
Ang pagiging alerto ng mamamayan at sa tulong ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ay isang paraan upang maresolba ang mga kaso ng pagnanakaw ng mga sasakyan lalo na ang mga biktima ng modus na Assume Balance scheme.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera