Sadanga, Mountain Province – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Cordillera PNP sa Sitio Finnong, Barangay Betwagan, Sadanga, Mountain Province nito lamang Hunyo 11, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Ronald Lee, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, Mountain Province Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ni PCol Ruben Andiso, Provincial Director, Regional Medical Dental Unit sa pangunguna ni PCol Jessiemyr N Protacio, at PECU Mountain Province.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang TESDA Mountain Province, OPAG Mountain Province, Provincial Peace and Order Council, One Pharma, Maezelle Psycho Metier and Diagnostic Center, Philippine Army-Sadanga Based, Barangay LGU, Municipal LGU at MHO Sadanga.
Ayon kay PBGen Lee, naisagawa rin sa naturang aktibidad ang Barangay Peace and Order Consultation hinggil sa disputed boundary ng Betwagan at Bugnay kung saan dinaluhan ito ng mga Barangay Lupon at Barangay Officials kasama ang PPOC Focal person na sina G. Angel Baybay, Hon. Albert Ayao-ao, Municipal Mayor at Hon. Daniel Dawdaweo, Vice Mayor.
Ayon pa kay PBGen Lee, humigit kumulang 434 na residente ang nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo kung saan 125 ang nakatanggap ng serbisyong dental, 158 sa serbisyong medical, 43 naman ang nabigyan ng libreng tuli at 108 ang nakatanggap ng libreng gupit mula sa Mountain Province PPO Pulis Pukis Team.
Bukod pa rito ay nakatanggap din ng 108 na bote ng bitamina ang mga bata mula sa One Pharma, 200 na pares ng tsinelas mula sa Maezelle Diagnostic Center, 100 Coffee seedlings mula sa OPAG at 400 pares ng farming gloves mula kay PBGen Lee, RD, PROCOR ang naipamahagi sa mga residente ng Betwagan.
Nagsagawa rin ng information dissemination ang mga tauhan ng TESDA kaugnay sa iba’t ibang programa o serbisyo na maaaring makatulong sa mga residente.
Samantala, tinalakay at nagbigay kaalaman naman ang mga tauhan ng Sadanga MPS at MPPPO Religious Advocacy sa mga usaping “Pag-iwas sa Krimen” at Peace and Order sa mga kabataan ng nasabing lugar.
Nakapagbigay aliw naman ang mga nasabing grupo sa mga bata pati na rin sa mga matatanda sa pamamagitan ng Parlor games.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ni Hon Agustin Agpawan, Punong Barangay ng Betwagan sa tulong at serbisyong hatid ng Cordillera PNP sa kanyang nasasakupan.
Layunin nitong mahandugan ng mga pangunahing serbisyo ang mga mamamayan na higit na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyne C Codiam