Eastern Samar – Umarangkada ang mga proyekto ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company gaya ng mobile canteen, mobile barbershop at project ViBES na patuloy na isinagawa sa Brgy. Bagacay, Oras, Eastern Samar nito lamang umaga ng Biyernes, Hunyo 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Police Community Affairs Section Team ng 1st Eastern Samar PMFC sa pangunguna ni Police Lieutenant Angelyn Glou A Cortado, Admin at PCAS Officer sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Joy G Leanza, Force Commander.
Ang community outreach drive ay nakapagpasaya ng mahigit 70 na kabataan na nakatanggap ng snack bar at juice, mga gamit sa paaralan at mga hygiene kit.
Mahigit 25 na bata at 15 na matanda naman ang nabigyan ng libreng gupit na bigay serbisyo ng Mobile Barbershop ng 1st Eastern Samar PMFC na binansagang “Libre nga Arot kan FC Sagot”.
Nagbigay aliw din sa mga tao ang inihandang dance number ng 1st ESPMFC Hoofers. Ipinamalas din ng mga mag-aaral ng Bagacay Elementary School ang kanilang talento sa pamamagitan ng pagsayaw.
Mensahe ni Hon. Rogelio B. Esoyot, Brgy. Captain sa kanyang welcome message, “Salamat ma’am Glou at sa lahat ng kapulisan sa pagbisita sa aming barangay kahit na ito ay malayo. Ito ang ikalawang pagbisita ng inyong kumpanya kung saan ang layunin ay mabigyan ng kaligayahan sa mga tao dito sa Bagacay. Natutuwa kami na mayroon nang bagong magagamit ang mga bata para sa eskwelahan at mayroon pang libreng barbero dahil hindi kami nakakapunta sa bayan para magpagupit. Laging bukas ang aming barangay upang tanggapin kayo. Maraming salamat po”.
Ang Brgy. Bagacay ay isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA). Ito ay mapupuntahan lamang sa pamamagitan ng isang oras na lakaran o higit pa kapag tag-ulan dahil nagiging maputik at madulas ang daan.
Tinitiyak ni PLtCol Leanza na patuloy ang 1st Eastern Samar PMFC sa paglilingkod at paghahatid tulong at saya sa mga residente lalong lalo na sa mga kabataan ng kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez