Dipaculao, Aurora – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Dipaculao PNP sa Barangay Diamanen, Dipaculao, Aurora nitong Biyernes, Hunyo 10, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Eduardo Mendoza Jr., Chief of Police ng Dipaculao Municipal Police Station kasama ang iba’t ibang sangay ng lokal na ahensya sa nasabing bayan.
Ayon kay PMaj Mendoza, labis ang pasasalamat ng mga higit kumulang 30 na benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods at libreng lugaw.
Dagdag pa ni PMaj Mendoza, ang Dipaculao PNP ay nagbigay kaalaman patungkol sa Executive Order No. 70 National Task Force End of Local Communist Armed Conflict, Women and Children Protection Desk at pangangampanya laban sa ilegal na droga.
Ang pamahalaan sa pangunguna ng PNP ay patuloy sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib o malalayong lugar.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na patuloy na suportahan ang programa ng pamahalaan at PNP kabilang na ang kampanya laban sa ilegal na droga at insurhensya.
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera