Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Puerto Galera Municipal Police Station, Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Oriental Mindoro Police Provincial Office, Highway Patrol Group-MIMAROPA at Regional Maritime Unit-MIMAROPA na nagresulta sa pagkakaaresto kay Andrix Ramirez Aceveda, 44 taong gulang noong Oktubre 23, 2021.
Si Aceveda, na nakalista bilang Top 10 priority High Value Individual, Regional Level, ay inaresto sa Barangay Sto. Nino, Puerto Galera, Oriental Mindoro matapos makabili ang poseur-buyer ng isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu kapalit ng Php1,000 bill na ginamit bilang marked money.
Nakumpiska mula sa kanya ang maliit na foil ng sigarilyo; 16 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit kumulang na 2.65 gramo na nagkakahalaga ng Php18,020.
Nasa kustodiya na ngayon ng Puerto Galera MPS ang nasabing suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Samantala, naaresto rin ng Calintaan Municipal Police Station ang rank number 5 Most Wanted Person, Municipal Level ng Calintaan, Occidental Mindoro na kinilalang si Robert Mike De Guzman Rafael, 24 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Sitio Madayangdang, Barangay Poypoy, Calintaan, Occidental Mindoro.
Si Rafael ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Ulysses D Delgado ng RTC Branch 46, San Jose, Occidental Mindoro sa kasong Robbery, naka-docket sa ilalim ng CC No. R-10920, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php72,000.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng stasyong nakahuli para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
#####
Article by Patrolman Mark M Manuba