Aklan – Arestado ang isang wanted person ng Kalibo Municipal Police Station sa isinagawang Manhunt Operation ng pulisya sa Pasig City nito lamang tanghali ng Huwebes, ika-9 ng Hunyo 2022.
Kinilala ni Police Major Jasson Belcina, Hepe ng Kalibo Municipal Police Station ang suspek na si Mark Archie Torrefiel y Rebenito, 31, residente ng Brgy. Cajilo, Makato, Aklan.
Ayon kay PMaj Belcina, naaresto si Torrefiel sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City sa pinagsanib pwersa ng Intelligence Unit ng Kalibo Municipal Police Station, CIDG NCR-Field Unit, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at CIDG Aklan.
Hinihikayat ng Kalibo Municipal Police Station ang komunidad na patuloy na suportahan ang Kalibo PNP sa kampanya nito laban sa lahat ng uri ng kriminalidad upang magkaroon ng mas ligtas at mapayapang lugar para sa lahat ng Kalibonhon.
###