Iloilo – Nagsagawa ng libreng gupit ang mga tauhan ng Lambunao Municipal Police Station sa Brgy. Bontoc Lambunao, Iloilo nito lamang ika-8 ng Hunyo 2022.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Gawad Kalinga (GK) Bayani Challenge 2022 na pinasimulan ng Lambunao Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Roy Tayona, Chief of Police, kasama sina Ma’am Christy Ibita, Community Coordinator at Ma’am Aileen Marco, Community Organizer.
May kabuuang 50 katao ang nabigyan ng libreng gupit na mga residente ng Brgy. Bontoc Lambunao, Iloilo sa pamamagitan ng Bayani Challenge 2022 of Gawad Kalinga.
Ang PNP ay handang tumulong sa anumang paraan at sa abot ng kanilang makakaya upang magbigay serbisyo sa ating mga kababayan.
###