Matalom, Leyte – Arestado ng mga tauhan ng Matalom Municipal Police Station – Drug Enforcement Unit ang isang hog raiser na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation noong Martes ng hapon, Hunyo 7, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Edwin C Balles, Provincial Director ng Leyte Police Provincial Office ang naaresto na si Dexter Gerona y Madera, 40, may asawa, taga-alaga ng baboy, residente ng Sitio Candigo, Brgy. San Salvador, Matalom, Leyte at nakalista bilang Street Level Individual (SLI) para sa ilegal na droga.
Ayon kay PCol Balles, nakumpiska sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang Php1000 (Buy bust money); isang unit LG android phone na kulay itim; isang lighter na kulay blue, key chain na mga susi at vicks inhaler at isang unit Yamaha XTZ Motorcycle kulay blue kasama ang susi.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Art. II Section 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
“This is an active approach in our campaign against illegal drugs and we continue our relentless police operations until these suspects will be charged and made to answer for the crime they have done. Ang mas maraming accomplishment ay nangangahulugan na ang aming intelligence gathering ay malakas at ang tipsters ay aktibong nakikipagtulungan din sa amin”, mensahe ni PCol Ballez.
Dagdag pa niya, “Sana ay magsilbing babala ito sa mga sangkot sa ilegal na negosyong ito na mas pinalakas ng LPPO ang pagsisikap na pigilan ang patuloy ng paglaganap ng mga ilegal na droga sa probinsya”.
###
Panulat ni PSMS Reynaldo Pangatungan