Mogpog, Marinduque – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Marinduque Police Provincial Office sa Barangay Laon, Mogpog, Marinduque nitong Hunyo 9, 2022.
Kabilang sa mga nakilahok ang mga miyembro ng Provincial Mobile Force Platoon, Department of Environment and Natural Resources, Mogpog Municipal Police Station, Marinduque State College, School of Agriculture-Poctoy Branch, ESTI Criminology Student Interns, Kabataan Kontra Droga at Terorismo Members, Bachelor of Arts Major in English Students ng MSC at Sangguniang Barangay ng Barangay Laon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Elmer Manalo, Chief ng PCADU, Marinduque PPO, may kabuuang 150 punla ng Nipa Palm ang naitanim ng grupo sa naturang barangay.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang ilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganahan ng likas na yaman sa bansa.
Source: Marinduque Ppo
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus