Taguig City — Arestado ang isang security guard sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 sa paghahain ng Warrant of Arrest ng Taguig City Police Station nito lamang Huwebes, Hunyo 9, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg, ang suspek na si Eugenio Egbalic alyas “Eugene”, 39, residente ng Western Bicutan, Taguig City.
Ayon kay PBgen Macaraeg, bandang alas-8:00 ng umaga naaresto si Egbalic sa Sitio Ato Site, Zone 7-B, Brgy. Western Bicutan, Taguig City ng mga tauhan ng Sub Station 2 ng Taguig CPS.
Ayon pa kay PBgen Macaraeg, nakumpiska kay Egbalic ang labindalawang small size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 24 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php163,200; isang maliit na pitaka; isang green sling bag; at isang caliber 38 revolver na may engraved made in Brazil INTERARMS, E062552 na may nakalagay na anim na live ammunition sa silindro.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act..
“Ang ating kapulisan ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga na matagal na nating problema hindi lamang sa ating lugar kundi sa buong bansa. Kami ay nagpapasalamat sa ating mga magigiting na pulis para sa kanilang mga pagsisikap at maging bahagi sa tagumpay ng distrito,” ani PBGen Macaraeg.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=5062479447176746&id=100002442236969
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos