Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Nueva Vizcaya PNP sa Galintuja Elementary School, Barangay Galintuja, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya bandang 11:00 ng umaga ng Hunyo 9, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ranser Evasco, Provincial Director, Nueva Vizcaya Police Provincial Office katuwang ang Nueva Vizcaya Officers’ Ladies Club sa pamumuno ni Mrs Aida Evasco, FCF Mining Corporation sa pangunguna ni Ma’am Agnes Rosales, CRO Manager, CAA personnel ng 84th Infantry Battalion 7th Infantry Division Philippine Army, miyembro ng ARESCOM, Barangay Officials at staffs ng nasabing barangay.
Ang mga grupo ay nagsagawa ng libreng gupit, pamamahagi ng grocery packs sa 200 benepisyaryo, pamamahagi ng loot bags sa mga bata, feeding program, libreng ice cream, pamimigay ng tsinelas at pamimigay ng kumot sa senior citizen.
Nagsagawa din ng lecture tungkol sa Social Development and Management Program, Environmental Problems at Orientation para sa mga magulang sa recruitment ng kabataan at estudyante ng CPP-NPA-NDF.
Bukod dito, ang mga grupo ay nakapagtanim din ng 250 Guyabano at rambutan seedlings.
Ang PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay tulung-tulong sa pagbigay ng pangunahing serbisyo sa mga kababayang nangangailangan at pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan.
Source: Alfonso Castañeda PS
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin