Ang Camp Pangatian Shrine ay matatagpuan sa makasaysayang lugar ng Cabanatuan, Nueva Ecija.
Ito ay dating Cabanatuan Prison Camp.
Ayon sa kasaysayan, pagkatapos ng labanan ng Bataan noong 1942, libu-libong tropang US ang ipinadala sa mga kampo ng Prisoner of War sa paligid ng lugar ng Cabanatuan.
Higit 8,000 sundalong Amerikano na inilipat mula sa kalapit na Camp O’Donnell ang ikinulong sa Cabanatuan Prison Camp kaya’t itinuturing ito na pinakamalaking Prisoner of War Camp sa Pilipinas.
Nakatira sa bamboo barracks ang mga bilanggo na may 550 metrong lapad na bakuran na napapalibutan ng barbed wire fencing at apat na guard tower.
Sa pagsulong ng digmaan, marami sa mga bilanggo na matipuno ang katawan ang ipinadala sa ibang mga lugar na kontrolado ng Hapon, tulad ng Taiwan, Manchukuo at Japan, upang magtrabaho sa mga kampo kung saan sila ay gumagawa ng mga armas at nag-aayos ng mga sasakyang pang-transportasyon ng militar ng Hapon.
Ang 500 lalaki na naiwan ay ang mga hindi makapagtrabaho dahil sa sakit o kapansanan.
Noong Enero 1945, plinalano ng mga pinunong militar ng US at mga gerilyang Pilipino ang pagligtas sa natitirang 500 bilanggo mula sa Cabanatuan Prison Camp.
Naglakbay ng 48 kilometro ang grupo ng mga gerilya, ranger at scout na sumalakay sa kampo at matagumpay na napalaya ang mga bilanggo.
Kalaunan noong 1945, ang mga labi ng mga hindi nakaligtas ay hinukay at inihimlay sa mga kalapit na sementeryo at ang iba ay dinala pabalik sa US.
Itinayo ng American Battle Monuments Commission na may pinansyal na suporta mula sa mga dating American Prisoner of War at kanilang mga pamilya ang Pangatian Memorial Shrine bilang pag-alala sa kabayanihang ipinakita ng mga sundalong US at Pilipino noong panahon ng pagpapalaya ng mga bilanggo sa Cabanatuan Camp.
Kung bibisita na sa lugar, makikita mo din dito ang mga naisulat na pangalang ng 2,656 Amerikanong bilanggo na namatay sa panahon ng kanilang pagkakulong sa kampo.
Katabi ng Pangatian Memorial Shrine ay ang pamahalaang panlalawigan ng Pilipinas.
###