Naguilian, La Union – Kumalas sa kilusan at nagbalik-loob ang anim na mga miyembro ng CTG sa Sitio Tangki, Brgy. Mamat-ing Norte, Naguilian, La Union nito lamang Martes, Hunyo 7, 2022.
Ayon kay Police Major Jayson Manuel, Officer-in-Charge ng Naguilian Municipal Police Station, ang anim na boluntaryong sumuko ay mga miyembro ng Timpuyog Iti Mannalon nga Umili iti ili nga Naaguilian o TIMUN na isang Underground Movement Organization (UGMO).
Kinilala ni PMaj Manuel ang mga sumuko na sina Mauren Rebaño y Ignacio, 30; Emilia Soriano y Gomez, 70; Ronalyn Soriano y Caritativo, 28; Ernesto Rebaño y Retero, 68; Zenaida Rebaño y Ramos, 44; at si Elizabeth Rebaño y Gomez, 65; pawang mga residente ng Brgy. Mamat-ing Norte, Naguilian, La Union.
Dagdag pa ni PMaj Manuel, ang mga sumuko ay pumirma ng kanilang oath of allegiance na sinaksihan ng barangay officials ng nasabing lugar.
Muli, hinihikayat ng PNP ang mga aktibong miyembro na sumusuporta sa mga CTG na magbalik-loob na sa ating pamahalaan upang makamit nila ang tunay na serbisyo at tulong na ipinagkakaloob ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP.
###