Capiz – Matagumpay na isinagawa ang Livelihood Training and Seminar Program ng Capiz Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Agcococ, Tapaz, Capiz nito lamang umaga ng Martes, Hunyo 7, 2022.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ferjen Torred, Force Commander sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Winston De Belen, Provincial Director katuwang ang 12IB, 3ID, Phil Army, CMO Officer, 3rd Field Artillery Battalion, AAR, Phil Army at Tapaz Municipal Police Station.
Isinagawa ang Livelihood Skills and Training Program ang Powder Detergent at Fabric Conditioner sa animnapu’t limang (65) lokal ng Brgy. Agcococ, Tapaz, Capizat.
Layunin ng aktibidad na maibahagi ang kanilang kaalaman upang magamit sa pagsisimula ng negosyo na makakatulong sa pang araw-araw na gastusin.
Ang PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang makatulong sa pag-unlad at pag-asenso ng mamamayan sa komunidad.
###