Maharlika, Taguig City — Maayos na naisagawa ang Community Outreach Program at Tree Planting Activity ng mga tauhan ng Regional Finance Section Office 16 at Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO na ginanap sa Maharlika Integrated Elementary School, Barangay Maharlika Village, Taguig City nito lamang Martes, Hunyo 7, 2022.
Ito ay bilang paggunita sa 82nd Founding Anniversary ng PNP Finance Service sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Melvin R Montante, OIC, RFSO16.
Nakiisa rin ang Barangay Security Force ng Barangay Maharlika na pinamunuan ni Hon. Hareem P. Pautin, Chairperson ng Brgy. Maharlika Village; at Gng. Aurora L. Perez, Principal III ng nasabing eskwelahan.
Nakapagbigay sila ng food at meal packs sa 170 benepisyaryo mula sa mga residente ng nasabing barangay. Para sa mga bata naman, 30 sa kanila ay nahandugan ng mga gamit sa paaralan tulad ng coloring book, story book, krayola at iba pang kagamitan. Nagkaroon din sila ng libreng gupit.
Samantala, sebisyong medikal naman ang hatid ng RMFB Quick Reaction Team (QRT) sa sampung residente lalo na sa mga matatanda.
Kasabay nito, nagkaroon din ng tree planting activity kung saan 150 piraso ng anahaw at guyabano seedlings ang itinanim sa paligid ng paaralan.
Bukod dito, ibinahagi naman ni PLtCol Martinez sa mga dumalo ang kahalagahan ng pamamahala sa pananalapi, pagbabadyet, at pamumuhunan.
Sa likod ng naturang mga hakbangin, ang PNP ay hindi magsasawang tumulong sa ating mga kababayan lalo ngayong panahon ng pandemya.
Source: RMFB CAS
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos