Huli sa ikinasang joint operation ng mga tauhan ng Bangar Police Station, Conner MPS, Apayao PPO, RECU1, at LUPIU RIU1 ang isang suspek sa kasong robbery sa Bangar, La Union noong Oktubre 22, 2021.
Ayon Kay PMaj Antonio M Dasalla Jr, OIC, Bangar PS, nakilala ang suspek na si Rollie Cayas Y Collado, 43 taong gulang, may kinakasama, stone picker ang hanapbuhay at nakatira sa Brgy. Paratong Norte, Bangar, La Union.
Ang nasabing suspek ay nadakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Francisco S Donato ng 2nd Judicial Region Branch 26, Luna, Apayao noong 22 Hulyo 2015 sa kasong robbery at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php50,000.
Nasa kustodiya na ng Bangar Police Station ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
#####
Article by Police Executive Master Sergeant Annabell M Cacayan