Taguig City — Umabot sa Php414,800 halaga ng shabu ang nasabat sa apat na suspek sa buy-bust operation ng Taguig City Police Station nito lamang Linggo, Hunyo 5, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Jose Reyna Monroe Jr. (HVI), Elpidio De Asis Lagoc, Michael Loganao, at Steven John Taclob De Guzman.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto ang mga suspek dakong alas-11:00 ng gabi sa No. 4 kawayan St. Brgy. North Signal Village, Taguig City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig CPS.
Nasamsam sa mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 61 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php414,800, isang coin purse, at dalawang Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Macaraeg na paiigtingin pa ng kanyang hanay ang kampaya kontra ilegal na droga at kriminalidad upang maging panatag ang bawat mamamayan sa kanyang nasasakupan.
Source: PCC-SI SMSREF#2206-0655
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos