Monday, November 25, 2024

Php714K halaga ng shabu, nakumpiska sa PNP buy-bust operation sa Bacolod City

Bacolod City – Tinatayang nasa Php714,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa inilunsad na drug buy-bust operation ng Bacolod City PNP nito lamang madaling araw ng Lunes, Hunyo 6, 2022.

Kinilala ni Police Major Joery Puerto, Station Commander ng Bacolod City Police Station 8 ang suspek na si Raffy Cardeñas, 37, single at residente ng Purok Neptune, Barangay Singcang Airport, Bacolod City.

Ayon kay Police Major Puerto, naaresto si Cardeñas sa Purok Kahirup, Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City, Negros Occidental ng mga operatiba ng Bacolod Police Station 8 Station Drug Enforcement Team (SDET).

Ayon pa kay Police Major Puerto, nakumpiska mula sa suspek ang 21 piraso ng malalaking plastic sachet ng shabu at isang buy-bust item na may bigat na 105 gramo at may tinatayang Standard Drug Price na Php714,000.

Si Cardeñas ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri naman ni Police Major Puerto ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon at tiniyak ang publiko na hindi sila titigil sa pagpapatupad sa mas komprehensibong kampanya laban sa mga ipinagbabawal na droga sa kanilang nasasakupan.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles