Calatrava, Romblon – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Calatrava PNP sa Brgy. Balogo, Calatrava, Romblon nito lamang Hunyo 5, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Nanette Pablico, Officer-in-Charge ng Calatrava Municipal Police Station, kasama ang Philippine Guardians Brotherhood Incorporated (PGBI) Calatrava Chapter, Civilian Active Auxiliary (CAA), Barangay Officials ng Balogo sapamumuno ni Honorable Juliet Sixon, Brgy.Chairman, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, On the Job Training (OJT) Students ng Erhard Systems Technological Institute (ESTI), Women Sector at iba pang miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups.
Umabot sa 500 mangrove seedlings ang naitanimng mga grupo sa nasabing barangay.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy namakiisa at makilahok sa mga programangilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganahan ng likas na yamansa bansa.
Source: Calatrava Mps Pcr
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus