Carles, Iloilo – Nanguna ang mga tauhan ng Iloilo Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Accolador sa inilunsad na mangrove planting sa Barangay Manlot, Carles, Iloilo nitong Sabado, Hunyo 4, 2022.
Ito ay bilang bahagi sa programa ng IPPO sa pakikipagtulungan sa komunidad at sa mga stakeholders nito na mapangalagaan ang mga dalampasigan sa probinsya pati na rin ang mga bakawan nito na siyang pinamumugaran ng iba’t ibang uri ng mga lamang dagat.
Nakiisa naman sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Provincial Community Affairs and Development Unit, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jojo Tabaloc; Carles Municipal Police Station, sa pamumuno ni Police Major Nestor Bacuyag; TESDA Provincial Office; Provincial Bantay Dagat; Punong Barangay Rouel De Guzman at mga barangay councilors; SK Chairman July Mahilum kasama ang iba pang mga SK members; Chief Tanod Wilfredo De Guzman; school staff sa pamumuno ni Principal Ma. Jelyn Bueno; at iba pang mga Force Multipliers.
Samantala, tagumpay namang nakapagtanim ang grupo ng nasa 200 mangrove propagules sa nasabing lugar.
Ang Iloilo Police Provincial Office ay patuloy na tumutulong at katuwang sa lahat ng mga Ilonggos sa pangangalaga sa kapaligiran at sa pagpapanatili sa kaayusan ng ating inang kalikasan.
###