NAIA Terminal 3 — Arestado ng PNP AvSeg ang isang lalaking wanted sa kasong Murder pagkatapos nitong lumapag sa airport galing ng General Santos City nito lamang gabi ng Linggo, Hunyo 5, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Andre Dizon, Director ng PNP Aviation Security Group ang akusado na si Jeryme V Dumancas alyas “Dandan”, nasa hustong gulang at residente ng Sampao, Isulan, Sultan Kudarat, Zamboanga City.
Nahuli si Dumancas bandang alas-8:55 ng gabi sa pagitan ng Bay 2 at 3, Arrival Curbside, NAIA Terminal 3, Pasay City ng pinagsamang puwersa ng PNP AvSeg at Regional Intelligence Division ng NCRPO.
Ayon kay PBGen Dizon, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong March 11, 2022, ni Hon. Rene Deveza Natividad, Assisting Judge, RTC, Fourth Judicial Region Branch 107, Los Baños City of Laguna sa kasong Murder o paglabag sa RPC ART. 248.
Ayon pa kay PBGen Dizon, ang inihain na kaso kay Dumancas ay walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman sa operasyon ang pulisya sa paliparan upang mahuli ang iba pang nagtatago sa batas at mapanagot sila sa kanilang pagkakasala.
Source: PNP AvSeg
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos