Monday, November 25, 2024

4 na miyembro ng CTG, sumuko sa pulisya ng Camarines Norte

Walang agam-agam na sumuko ang apat (4) na miyembro ng CTG sa mga tauhan ng Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company nitong Oktubre 21, 2021.

Ang apat (4) ay kinilalang sina Ka “Adoy”, 44 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Purok 3, Brgy. Bagacay, Mobo, Masbate; Ka “Owen”, 33 taong gulang, magsasaka, at residente ng Purok 3, Brgy Baang, Mobo, Masbate; Ka “King”, 27 taong gulang, mangingisda, residente ng Purok 5, Brgy Bagacay, Mobo, Masbate; at si Ka “Ikong”, 32 taong gulang, construction worker, at residente ng Purok 7, Brgy Bagacay, Mobo, Masbate.

Boluntaryo din nilang isinuko ang mga iba’t ibang uri ng mga armas na kinabibilangan ng dalawang (2) cal .38 na ang isa ay may tatak na Smith and Wesson, walang marka at serial number na naglalaman ng 6 na bala; cal. 5.56 na may apat (4) na magazine; 44 na bala; isang (1) bandolier magazine na may 6 na bala; .45 pistol na walang marka at serial number; isang (1) magazine na may anim (6) na bala; 21 bala ng shotgun; at apat (4) na Improvised Explosive Devices (IEDs).

Ang mga sumukong rebelde ay miyembro ng Larangan 1(L1) , Bicol Regional Party Committee (BRPC), Komiteng Probinsya 4 (KP4), Komiteng Larangan Guerilla 1 (KLG1) at ng Rehiyon Yunit Guerilla (RYG) na nagsasagawa ng operasyon sa probinsya ng Camarines Norte.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang programa sa ilalim ng Retooled Community Support Program sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs) at sa pinaigting na operasyon ng kapulisan kontra insurhensya ng Bicol Region sa pamumuno ni PBGen Jonnel C Estomo, RD, PRO5 kaagapay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mahikayat ang mga taong nalason ang isip ng mga teroristang grupo.

Sumailalim ang mga sumuko sa Enhanced Comprehensive Local Intergration Program o ECLIP program ng gobyerno na maglalayong bigyan ng panibagong pagkakataon na mamuhay ng tahimik at mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Source and Picture: Kasurog Bikol

####

Article by Patrolwoman Shiear “Kye” V Ignacio

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles