Baguio City – Arestado ang isang Nigerian National sa kasong pagnanakaw sa manhunt operation ng Benguet PNP nito lamang Lunes, Mayo 30, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Glenn Lonogan, City Director, Baguio City Police Office, ang naarestong suspek na si Gabriel Chibuzor, 28, kasalukuyang nakatira sa Loakan Proper, Baguio City.
Ayon kay PCol Lonogan, naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar sa pinagsamang puwersa ng Police Station 2-Baguio City Police Office, City Intelligence Unit, City Investigation and Detection Management Unit at Benguet Provincial Highway Patrol Team.
Ayon pa kay PCol Lonogan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong pagnanakaw na may rekomendadong piyansa na Php12,000.
Nakuha rin mula sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 7.59 gramo at nagkakahalaga ng Php910.
Bukod sa kasong pagnanakaw ay nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng Benguet PNP ng Oplan Pagtugis sa mga wanted person upang maiwasan at hindi na madagdagan pa ang maging biktima ng mga ito.
Source: BCPO PS2
###
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya