Kasabay ng Flag Raising Ceremony noong araw ng Lunes, Mayo 25, 2022 ay pormal nang pinarangalan ang may 762 PNP Personnel na ginanap sa PNP National Headquarters sa Camp BGen Rafael Crame, Quezon City.
Sa bisa ng Executive Order No. 35, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hulyo 28, 2017 ay opisyal na ipinagkaloob ni PNP Officer-In-Charge, PLtGen Vicente D Danao Jr., kasama ang mga miyembro ng PNP Command Group, ang parangal sa 762 PNP Personnel na nagmula pa sa ibat-ibang Units and Offices bilang pagkilala sa kanilang makabuluhang tungkulin sa Paglaya ng Marawi City noong 2017.
Ayon kay OIC, PNP PLtGen Danao, ang mga awardees na ito ay talagang kahanga-hanga ang kanilang ipinamalas na tapang at walang pag-aalinlangan na harapin ang panganib para lamang ma-protektahan ang ating bansa, ikinumpara pa niya ang kulay pulang Medalya na tila sumisimbolo sa nag-aalab na puso para sa isang wagas na “Serbisyo Publiko.”
Matatandaan na noong 2017, may nauna ng 52 PNP Personnel ang pinarangalan ng parehong Medalya, kaya naman may kabuuang 819 PNP Personnel ang “Recipient of Order of Lapulapu Rank of Kamagi” na nagmula sa iba’t ibang Police Regional Offices (PRO) at Special Action Force (SAF), na kung saan ay 708 sa kanila ay aktibo pa rin habang 59 ang retirado na (posthumously, optional, and compulsory retired).
Halos limang-taon na ang nakalilipas nang matagumpay na pinalaya ng bansang ito ang Lungsod ng Marawi mula sa limang buwang armadong labanan, laban sa masasamang kamay ng mga teroristang puwersa ng Maute Group na nagtala ng daan-daang pagkamatay at sumira ng bilyun-bilyong imprastraktura at kabuhayan sa buong lungsod.
Kasabay ng nasabing okasyon ay ang paglulunsad naman ng PNP Applicants Monitoring Portal (AMP) at Medical Records Management System (MRMS). Ang MRMS ay naglalaman ng mga impormasyong pang-kalusugan ng lahat ng tauhan ng PNP para sa mas pinadaling access ng ating personnel at maging ng ating mga Professional Healthcare Workers, habang ang AMP ay isang Accessible Online Monitoring System para sa proseso at katayuan ng mga aplikante ng PNP. (with reports from PCpl Nechaell Carmie Hadjula, PNP-PIO)