Taguig City — Umabot sa Php333,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Taguig City Police Station sa isang suspek sa kanilang ikinasang Anti-Criminality Operation nito lamang Martes, Mayo 31, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang suspek na si Ali Bandila y Lumenda, Filipino, lalaki, 34 at kasalukuyang naninirahan sa Taguig City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 9:15 ng gabi naaresto si Bandila sa kahabaan ng Road 14, Maguindanao St., New Lower Bicutan, Taguig City ng mga operatiba ng Sub Station 9 ng Taguig City Police Station.
Batay sa sumbong ng isang concerned citizen, merong nagaganap na illegal drug trade sa lugar, kung saan napag-alaman ding may hawak ng ilegal na droga ang mga suspek.
Narekober kay Bandila ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 49.0 gramo na may Standard Drug Price na Php333,200, at isang digital weighing scale.
“Desidido ang ating mga tauhan sa ground na pigilan itong mga drug peddler sa pagpapalaganap ng mga ilegal na droga sa ating lugar, mandato nating ipatupad ang batas at arestuhin sila. Kung sino ang lumalabag dito, rest assured that PNP especially SPD, will ensure and maintain the safety of the public until our last day in service,” ani PBGen Macaraeg.
Source: PIO SPD
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos