Antipolo City, Rizal – Tinatayang Php1,088,000 halaga ng shabu at isang 9mm na baril ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust operation ng Rizal PNP nitong Miyerkules, June 1, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na si Roger L Telen alyas “Roger”, 43; David G Angeles alyas “David”, 24 at Andrew B Malbas alyas “Drew” 23.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 2:15 ng hapon naaresto ang mga suspek sa Purok 4 Zone-8 Brgy. Cupang, Antipolo City ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Rizal.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakumpiska sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachets na hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 160 gramo na nagkakahalaga ng Php1,088,000, buy-bust money, isang pixelized belt bag, isang 9mm Rock Island Armory M1911-FS pistol with SNR: RIA2015169, isang magazine ng 9mm pistol at apat na 9mm luger cartridges.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Violation of Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms Law and Ammunition Regulations Act in relation to COMELEC Gun Ban.
Ang tagumpay ng PNP laban sa ilegal na droga at iba pang krimen ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon