Sultan Kudarat – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang PNP sa Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes, Mayo 31, 2022.
Ayon kay PLtCol Hoover Antonio, Force Commander ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, lubos na pasasalamat ang natanggap ng Kabalikat Radiocom Philippines, Lambayong Sultan Kudarat Chapter (Ladder Base), Riders Club, Barangay Local Government Unit, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Women’s Group at sa 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa mga residente ng naturang lugar.
Libreng pagkain, grocery items (food packs), pares ng mga tsinelas para sa mga kabataan at tree planting ang kanilang pangunahing inihanda at aktibidad sa programa kung saan humigit kumulang 400 ang naging benepisyaryo.
Layunin ng programa na makapaghatid ng tulong sa mga lugar na nakakadanas ng kahirapan upang kahit papaano ay makapaghatid sila ng kasiyahan at bagong pag-asa.
Tiniyak naman ni PLtCol Hoover, na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pag aabot ng serbisyo sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong upang mapapanatili ang nasimulang magandang ugnayan.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin