Buong suporta na ipinaabot ng Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office, Police Colonel Engelbert Soriano ang kanyang pakikiisa sa 2nd Round of Caravan of Government Services of Provincial Government of Cebu for CY 2022 na nagsimula noong Mayo 23-31, 2022 sa Lalawigan ng Cebu.
Sa pangunguna ng Provincial Governor ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, Hon. Gwendolyn F Garcia, kasama ang PD, CPPO at iba pang Local Government Units, maayos na naihatid ang Caravan Services sa iba’t ibang munisipalidad ng nasabing lalawigan.
Noong Mayo 23, ang mga benepisyaryo mula sa Munisipalidad ng Minglanilla ay nakatanggap ng mga bitamina, food packs, seedlings, health kits at assistive device para sa mga matatanda at persons with disability.
Nakatanggap din ng parehong serbisyo ang mga benepisyaryo ng naturang programa ang mula sa Pinamungajan noong Mayo 25, 2022; mula sa Alcantara noong Mayo 26, 2022; mula sa Medellin noong Mayo 27, 2022; at mula sa Consolacion noong Mayo 31, 2022. Ang CPPO ay benepisyaryo din ng nasabing caravan.
Ipinahayag naman ni PCol Engelbert Soriano na patuloy nitong susuportahan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu sa paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga Cebuano, upang maibsan ang pasanin ng mga mahihirap at upang mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.
###