Daraga, Albay – Patay ang isang mataas na lider ng New Peoples Army matapos makipagbarilan sa Albay PNP at mga militar sa Zone 7, Barangay Anislag, Daraga, Albay nitong Sabado ng hapon, Mayo 28, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Byron Tabernilla, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office, ang napatay na si Antonio Abadeza alyas “Flatops”, vice commanding officer ng Komite ng Probinsya 3, Platoon 3, komiteng Sangay sa Platoon sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay PCol Tabernilla, may isang concerned citizen na nagsumbong na may nangingikil na miyembro ng CTG sa mga maliliit na negosyante sa nasabing lugar. Kaya naman, nirespondehan ng operating team ang mga akusado sakay ng kanilang motorsiklo ngunit sa halip na makinig, pinaputukan sila ng mga akusado na nag-udyok sa kanila na gumanti ng putok dahilan ng pagkamatay ni alyas “Flatops”.
Ayon pa kay PCol Tabernilla, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang di matukoy na kalibre ng baril na may serial number: 111987 na kargado ng walong (8) live ammunition, isang dagdag na magazine na may kargang anim (6) na live ammunition, apat (4) na fired cartridge case, isang (1) wallet na naglalaman ng Php11,710 cash, iba’t ibang subersibong dokumento, isang (1) Yamaha Crypton na motorsiklo na may Plate Number: 9058 EG at iba pang ebidensya.
“We also thank the community for their cooperation and support on our endeavors to solve our problems caused by this rebel groups. With this, we remain firm and steadfast to do our part with the people to create a violence-free and peaceful community”, ani PNP-Bicol Regional Director, Police Brigadier General Mario Reyes.
Source: Albay PPO
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao